Mula Sa Author

Ang simpleng blogsite na ito ay ginawa para sa personal na hangarin ng author. Kung anumang maging conflict ng mga nakasulat at masusulat dito ay hindi sinadya. Gusto lamang ng author na mailabas ang kanyang mga nararamdaman sa pamamagitan ng malayang pagsulat. Freedom to write and to express feelings ika nga. Malugod din pong tinatanggap ang anumang kumento at mga suggestions. Karapatan niyo din po iyon bilang mga mambabasa.

Maraming salamat sa inyong pagdaan at pagbabasa. Ikalulugod namin ang inyong muling pagbalik.

Si Tak Teng Yan

Una sa lahat, wala naman sigurong mag-iisip na Tak Teng Yan talaga ang totoo kong pangalan. At, syempre, tama kayo! Hindi talaga Tak Teng Yan ang pangalan ko. Hindi ko alam kung merong nilalang na ganoon ang pangalan. 

Sino Si Tak Teng Yan?
Tak Teng Yan

Wala lang. Naisip ko lang yung pangalan na yun. Sa makatuwid, si Tak Teng Yan ay isa lamang karakter na nabuo sa aking isipan. Pen name? Pwede rin! Madami din naman author na nakatago ang totoong pangalan di ba? So, nakigaya lang ako. 

Si Tak Teng Yan ay ako din sa totoong buhay. Pero meron din namang mga pinagkaiba. Ako ay may katawan, samantalang si Tak Teng Yan ay wala. Siya ay isang purong isipan. Pwede rin sabihing siya ay isang anino ng katawan ko. Bawat galaw ko ay galaw din niya. Bawat naiisip ko ay naiisip niya. Ang pinagkaiba lang, ang totoong ako ay hindi mailabas ang totoong nararamdaman. Samantalang si Tak Teng Yan, pwede. 

Bakit Kailangang Magtago?

Kung may magtatanong man kung bakit ako magtatago sa pangalang Tak Teng Yan, simple lang ang dahilan. Ayoko ng buhay showbiz. At isa pa, si Tak Teng Yan ay matagal ng nagtago sa maskara ng aking pagmumukha. Medyo gusto lang niyang ipakita kung sino sya. Sa makatuwid, hindi ako talaga nagtatago sa maskara ni Tak Teng Yan dahil si Tak Teng Yan ang totoong kung sino man ako.

Yun lang po ang aking masasabi sa kung sino man ako. Nga pala, medyo may alam din naman ako sa social networking. Pwede nyo akong i-add o i-follow. Eto ang mga links ko:

Twitter: @TakTengBlogger
Facebook: Tak Teng Blog
E-mail: taktengyan at gmail dot com