Mula Sa Author

Ang simpleng blogsite na ito ay ginawa para sa personal na hangarin ng author. Kung anumang maging conflict ng mga nakasulat at masusulat dito ay hindi sinadya. Gusto lamang ng author na mailabas ang kanyang mga nararamdaman sa pamamagitan ng malayang pagsulat. Freedom to write and to express feelings ika nga. Malugod din pong tinatanggap ang anumang kumento at mga suggestions. Karapatan niyo din po iyon bilang mga mambabasa.

Maraming salamat sa inyong pagdaan at pagbabasa. Ikalulugod namin ang inyong muling pagbalik.

Sabado, Agosto 25, 2012

Ang Pangongopya Ng Bigotilyo



Sa kasagsagan ng issue sa RH Bill, lumitaw ang issue ng plagiarism ng isang kapitapitagang Senador ng ating bansa na si Sen. Tito Sotto. Oo na! Sige na! Hindi na sya ang nangopya, yung staff nya. Napakabuting staff! Inako ang lahat. Sabagay, "the best" naman magdahilan e.

tito sotto plagiarism blogger


Mga dahilan:
  • Blogger lang yon!
  • Ang blog ay nasa public domain kaya pwedeng kopyahin ng kahit na sino.
  • Ang blog ay hindi copyrighted o walang copyright.
  • Ang blog ay ginawa para i-share kaya naman, ayun, they shared it!
  • Nature na daw sa senado ang pangongopya. 
  • Lahat ng tao ay plagiarist kasi kinopya lang ayon sa itsura ng D'yos. 

Wow! Yun naman pala e. May dahilan naman pala kung bakit sila nangongopya. Sabagay, pag nangopya ka sa sagot ng katabi mo sa exam, hindi mo naman kailangan na ilagay ang pangalan ng katabi mo para bigyan ng credit ang sagot nya. Galing ng logic no? Takte! So, ang lagay pala dun ay estudyante lang ang bawal mangopya? Ang mga propesyonal e pwede? Sana hinayaan na lang na mangopya ang mga estudyante para naman mahasa ang kanilang talento sa pangongopya. Magagamit nila yun pag propesyonal na sila.

Pero alam nyo, kahit sa kaninong utak naman, masama ang pangongopya e. Ewan ko lang sa utak ng iba. O sige, ganto na lang. Masama ang mangopya, yun ay kung mahuhuli ka. At yun na nga! Nahuli e. Teka lang, nangopya din naman ako nung student pa lang ako. At ang avatar ko ay kopya ko lang din. Credits nga pala sa gumawa ng maskara ni Guy Fawkes at ng Phantom of the Opera.

Saka hindi naman talaga issue ang pangongopya e. Ang punto sa nangyari ay ang pagbibigay ng kahit kapiranggot na pasalamat o credit sa totoong nagsulat. Ganto lang yan e. Pag maganda ang speech, sino ang pupuriin? Syempre, yung nagsalita! E binasa lang naman nya yun. Nasaan ang papuri para sa nagsulat? Di ba? Artista nga e. Nagbabasa lang ng script! Buti pa yung mga comedy shows na impromptu. At least kita ang talento.

O kaya naman, pwede din naman na ganto. Wow! Ang galing mo magbasa ng speech! Bravo! Tumayo ang lahat at magpalakpakan! Mabuhay ang nagsulat! Yan! Sana ganyan!

Hay, ano pa nga ba ang masasabi ko? Tak teng yan talaga!

Ay teka lang! Pinahihintulutan ko pala ang lahat na kopyahin ang sinulat ko na to. Kung gusto nyo e! Kahit walang credit okay lang. Palabasin nyo na lang na parehong pareho ang itinakbo ng utak natin.

Sorry sa abala! 

Walang komento: