Nasaktan ako. Ang sakit! Sobra! Nabalitaan ko na lang na engaged na pala sya. Paano na ako? Lagi na lang bang ganito? Lagi na lang ba akong iiwan ng taong mahal ko para sa iba?
image source: http://www.aceshowbiz.com/news/view/00053266.html |
Hahaha! Wala lang! Emote lang.
Nabalitaan ko lang kasi na engaged na pala ang isa sa aking mga crusheseses, si Avril Lavigne. Wala lang. Astig kasi yung ganda nya e. Alam mo yun. Halos sabay lang kami lumaki e. Halos sabay lang lumaki. Di ko naman sya talaga kilala sa personal. At sigurado namang di nya ako kilala.
Noon, si Amy Lee ng Evanescenes ang ikinasal. At ngayon, malamang nalalapit na din na si Avril naman. Engaged na nga e di ba? Trending nga nung isang araw e.
Mukhang mauubos na ang mga single na crush ko ah. I mean, iiwan na nila ang pagiging single. Pero okay lang. Mahaba pa naman ang listahan ko e. Ayoko na lang ilista dito lahat. Baka kasi mapabilis ang pagpapakasal nila. Akalain mo yun, may pamahiin ako. LOL! Wala!
Yun lang. Wala lang kasi akong mai-blog eh gusto kong magblog. Kaya ayan. Sabi ko na nga ba wala talagang kwenta itong blog ko e.
Good luck na lang sa mga nagmamahalan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento