Mula Sa Author

Ang simpleng blogsite na ito ay ginawa para sa personal na hangarin ng author. Kung anumang maging conflict ng mga nakasulat at masusulat dito ay hindi sinadya. Gusto lamang ng author na mailabas ang kanyang mga nararamdaman sa pamamagitan ng malayang pagsulat. Freedom to write and to express feelings ika nga. Malugod din pong tinatanggap ang anumang kumento at mga suggestions. Karapatan niyo din po iyon bilang mga mambabasa.

Maraming salamat sa inyong pagdaan at pagbabasa. Ikalulugod namin ang inyong muling pagbalik.

Lunes, Agosto 27, 2012

Neil Armstrong: Abot Mo Ang Buwan

Neil Armstrong on the moon
Neil Alden Armstrong (August 5, 1930 – August 25, 2012)
Pangarap ko'y makita ang naglalaro sa buwan.

Ano kayang meron sa buwan? Tanong ko lagi yan noong ako ay bata pa. Alam ko kayo din. Tanong ko din noon sa sarili ko kung makakarating ba ako doon? Parang sa cartoons lang posible yun. Pero hindi pala. 

Si Neil Armstrong, isang astronaut, ang unang taong nakatapak sa buwan. Ang mga bagay na iniisip ko noong hindi posible ay posible pala. Pinatunayan niya yun. At noong isang araw lang (08/25/2012), iniwan na niya ng tuluyan ang mundo. Pumanaw siya sa edad na 82.


Bilang isang tao, gusto kong magpasalamat sa kanya. Oo, maaaring hindi ako makarating sa buwan, pero ang isang katotohanang mapatunayan ang posibilidad ay isang kasiyahan para sa akin. Maaaring hindi makakaapekto sa buhay natin ngayon ang pagtungtong niya sa buwan noon pero alam kong sa hinaharap ay makakatulong iyon. Maaaring hindi ko na masasaksihan pero baka masaksihan ng aking magiging anak. 

Maraming posibilidad. Isa yun sa mga napatunayan niya. Hindi hangganan ang himpapawid na ating nakikita tuwing tayo sa titingala sa labas. May mga lugar pang pwedeng marating. Hindi man ngayon, sa future, marami pang posibilidad at marami pang pwedeng mangyari. Malay natin, maging pasyalan na lang ng susunod na henerasyon ang buwan at ang iba pang planeta. Hindi ba't may nga robot na kumukuha na ng footage sa Mars? Malay natin.

Kaya Sir Neil Armstrong, maraming salamat sa malaking kontribusyon mo sa syensya at sa sangkatauhan. 

Mga Quotes Mula Kay Neil Armstrong

This is one small step for a man, one giant leap for mankind.

Science has not yet mastered prophecy. We predict too much for the next year and yet far too little for the next 10.

Research is creating new knowledge.

The important achievement of Apollo was demonstrating that humanity is not forever chained to this planet and our visions go rather further than that and our opportunities are unlimited.



RIP Neil Armstrong.








Walang komento: