Mula Sa Author

Ang simpleng blogsite na ito ay ginawa para sa personal na hangarin ng author. Kung anumang maging conflict ng mga nakasulat at masusulat dito ay hindi sinadya. Gusto lamang ng author na mailabas ang kanyang mga nararamdaman sa pamamagitan ng malayang pagsulat. Freedom to write and to express feelings ika nga. Malugod din pong tinatanggap ang anumang kumento at mga suggestions. Karapatan niyo din po iyon bilang mga mambabasa.

Maraming salamat sa inyong pagdaan at pagbabasa. Ikalulugod namin ang inyong muling pagbalik.

Lunes, Agosto 27, 2012

Neil Armstrong: Abot Mo Ang Buwan

Neil Armstrong on the moon
Neil Alden Armstrong (August 5, 1930 – August 25, 2012)
Pangarap ko'y makita ang naglalaro sa buwan.

Ano kayang meron sa buwan? Tanong ko lagi yan noong ako ay bata pa. Alam ko kayo din. Tanong ko din noon sa sarili ko kung makakarating ba ako doon? Parang sa cartoons lang posible yun. Pero hindi pala. 

Si Neil Armstrong, isang astronaut, ang unang taong nakatapak sa buwan. Ang mga bagay na iniisip ko noong hindi posible ay posible pala. Pinatunayan niya yun. At noong isang araw lang (08/25/2012), iniwan na niya ng tuluyan ang mundo. Pumanaw siya sa edad na 82.

Linggo, Agosto 26, 2012

Avril, Sana Ako Na Lang

Nasaktan ako. Ang sakit! Sobra! Nabalitaan ko na lang na engaged na pala sya. Paano na ako? Lagi na lang bang ganito? Lagi na lang ba akong iiwan ng taong mahal ko para sa iba?

avril and chad
image source: http://www.aceshowbiz.com/news/view/00053266.html
Hahaha! Wala lang! Emote lang.

Sabado, Agosto 25, 2012

Ang Pangongopya Ng Bigotilyo



Sa kasagsagan ng issue sa RH Bill, lumitaw ang issue ng plagiarism ng isang kapitapitagang Senador ng ating bansa na si Sen. Tito Sotto. Oo na! Sige na! Hindi na sya ang nangopya, yung staff nya. Napakabuting staff! Inako ang lahat. Sabagay, "the best" naman magdahilan e.

tito sotto plagiarism blogger


Mga dahilan:
  • Blogger lang yon!
  • Ang blog ay nasa public domain kaya pwedeng kopyahin ng kahit na sino.
  • Ang blog ay hindi copyrighted o walang copyright.
  • Ang blog ay ginawa para i-share kaya naman, ayun, they shared it!
  • Nature na daw sa senado ang pangongopya. 
  • Lahat ng tao ay plagiarist kasi kinopya lang ayon sa itsura ng D'yos.